Nakipagtungali ang ating mga atleta sa halos 100 bansa upang makamit ang kanilang inaasam na kampeonato. Ito ay sa pamamagitan ng matiyaga at determinadong paggiya nina Coach Precious at Philip Delarmino.
Samantalang sa pitong gold medals, lima rito ay nasungkit ng tatlong kabataan na mula pa sa bayan ng Nagcarlan. Dalawang gold medals kay Samantha Audrey Ananias, dalawang gold at isang silver medal kay Athaliah Sarmiento, at isang gold medal naman para kay Royeth Rosa.
Habang nag-courtesy call din sila kay 3rd District Congressman Loreto “Amben” Amante upang magpaabot ng pasasalamat sa walang patid nitong pagbibigay ng suporta at pagtulong para sa kanilang koponan.
Samantala, nanawagan ang ilan sa ating mga atleta na sana ay mabigyan din sila ng pagkilala at pangmatagalang tulong mula sa pamahalaang lokal at nasyonal, bilang mga lumalaban para sa ating bansa upang makamit ang gold medal.
ADVERTISEMENT
Ang panalong nakamit ng ating mga atletang kabataan ay patunay na buhay na buhay ang fighting spirit ng mga Pilipino na siyang magdadala sa atin ng tagumpay sa buong mundo. (Kevin Pamatmat/News Light)

