Nagpadala ng tulong ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
Ayon sa ulat ng Emirates News Agency, ang humanitarian response ay ipinadaan sa UAE Aid Agency sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad sa Pilipinas.
Ayon kay Dr. Tareq Ahmed Al Ameri, chairperson ng UAE Aid Agency, layunin ng kanilang bansa na magbigay ng agarang tulong sa mga apektado ng mga natural na kalamidad.
Dagdag pa niya, patuloy ang UAE sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at emergency supplies.
ADVERTISEMENT
Ang UAE ay kabilang sa mga bansang nagpaabot ng tulong matapos ang malakas na lindol na kumitil ng 72 buhay sa Central Visayas, kasabay ng pangakong tulong mula sa Singaporean Red Cross at pamahalaan ng Japan.

