Mula sa flood control projects, ngayon naman–overpriced farm to market roads ang nais paimbestigahan ni Sen. Sherwin Gatchalian na mahigit P10 billion ang halaga.
Ibinunyag ng senador na may road projects na halos 700% ang inilobo ng presyo at aniya ilan sa mga farm to market road projects sa Bicol ay hinawakan ng construction company na konektado kay resigned Rep. Zaldy Co.

