Iginiit ni bagong Ombudsman Jesus Crispin Remulla na plano nitong balikan ang imbestigasyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ayon kay Remulla, muling bibisitahin ang corruption scandal dahil tila nakalimutan na ito.
Ang Pharmally corruption scandal ay hinggil sa overpriced na medical supplies na binili sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Nang tanungin ang Ombudsman kung makakasama sa kakasuhan ang dating Pangulong Duterte, iginiit nito na tutungo lamang sila kung nasaan ang ebidensya.

