Latest NewsBalitang A2Z

Malacañang, hinihingi ang masusing pag-aaral hinggil sa 1-month tax holiday ni Sen. Erwin Tulfo

Nanawagan ng masusing pag-aaral ang malacañang hinggil sa panukalang one-month tax holiday ni Sen. Erwin Tulfo.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nanawagan ng masusing pag-aaral ang Malacañang hinggil sa panukalang one-month tax holiday ni Sen. Erwin Tulfo.

Ayon kay special assistant to the president Frederick Go, kailangang itong bigyan ng panahon ng Department of Finance at budget department para masuri ang posibleng epekto nito sa ekonomiya.

Samantala, iginiit ni Tulfo na ang panukalang isang buwang tax holiday ay para sa mga manggagawang tuloy-tuloy ang bayad ng buwis habang ang ilang opisyal naman ay nangungurakot.

Idiniin din ni Tulfo na makakaramdam ng kaunting ginhawa ang mga manggagawa kung maipatutupad ang nasabing panukala.

What do you feel about this article?