RegionalLatest News

Halos 400 pamilya, apektado ng landslide at pagbaha sa Zamboanga | News Light

Halos 400 pamilya o nasa 1,850 na indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Zamboanga City matapos ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Carlene Latuna · · 1 min read

Halos 400 pamilya o nasa 1,850 na indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha at landslide sa Zamboanga City matapos ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kinailangang lumikas ang mga pamilya matapos pumasok ang tubig-baha sa kanilang kabahayan.

Naapektuhan ang mga barangay gaya ng Talisayan, San Jose Gusu, Pasonanca, Tigtabon, Tugbungan, at Guiwan.

Nagkaroon naman ng landslide sa Tulungatung at La Paz kung saan dalawang pamilya ang naapektuhan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa PAGASA, dala ng intertropical convergence zone (ITCZ) ang masamang panahon na naranasan sa Zamboanga.

What do you feel about this article?