Pumasok na sa philippine area of responsibility ang bagyong “Nakri” na may local name na “Quedan.”
Ayon sa PAGASA, hindi direktang maapektuhan ng bagyo ang lagay ng panahon sa bansa.
Gayunpaman, magdadala ng malalakas na hangin ang Southwesterlies, Low Pressure Area, at Northeasterly windflow sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa ngayon, taglay ni Quedan ang lakas ng hangin na 75 kilomters per hour at bugsong umaabot sa 90 kph.
ADVERTISEMENT
Kasalukuyan itong kumikilos pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph at patungo sa ryu-kyu islands sa Japan.
Walang itinataas na tropical cyclone wind signal at inaasahang lalabas na sa par ang bagyo ngayong gabi ng huwebes o umaga ng Biyernes.

