Bagyong Quedan, nakalabas na ng PAR | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Lumabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Quedan, na may international name na Nakri, kaninang madaling-araw.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,355 kilometro silangan-hilagang silangan ng extreme northern Luzon, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 75 km/h at pagbugsong hanggang 90 km/h.

Wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal sa alinmang bahagi ng bansa, at hindi na inaasahang direktang makaaapekto ang bagyo sa ating panahon.

Gayunman, posibleng makaranas ng malalakas na bugso ng hangin ang Batanes, Southern Leyte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, at Palawan.

ADVERTISEMENT

Pinapayuhan pa rin ang publiko na manatiling alerto at makinig sa mga anunsyo ng lokal na pamahalaan at PAGASA para sa mga posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.