Napuno na ng mga pasyente ang Baguio General Hospital and Medical Center sa Benguet bunsod ng pagyanig ng 4.4 magnitude na lindol na yumanig sa Benguet pasado 10 a.m. ng Huwebes.
Nasa tatlondaang pasyente lamang ang kapasidad ng naturang tatlong palapag na ospital, ayon sa hospital administrator.
Sa isang abiso, pinayuhan ang mga magpapa-admit na pasyente na tumungo na muna sa Baguio City health services office o kaya nama’y sa labing anim na district health centers ng lungsod para magpagamot.
Ipinasara na rin muna ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga paaralan sa lungsod.
ADVERTISEMENT
Habang naramdaman din ang intensity 3 sa Itogon, Benguet Villasis, Pangasinan; at San Fernando, La Union.

