AMLC, humingi ng ika-6 na freeze order sa yaman ng mga sangkot sa flood control scam

📅

Humingi ng ika-anim na freeze order ang Anti-Money Laundering Council o AMLC para sa mga yaman ng mga nasasangkot sa flood control corruption scandal.

Ayon kay AMLC executive dir. Matthew David higit P4.6 bilyong halaga ng bank accounts at ari-arian ang na-freeze na ng council.

Kinumpirma rin ni David, na na-freeze na ang account ng mga kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya.

Marami pa ang isusunod dito at malapit na ring ilabas ang ika-anim na freeze order.

ADVERTISEMENT

Tiniyak naman ng AMLC na ipagpapatuloy nila ang paghahabol sa mga yaman nandito man o nasa ibang bansa partikular na sa mga sangkot sa pandarambong sa pondo ng bayan.