Funny ang naging conversation ni pop superstar na si Taylor Swift at renowned global artist Ed Sheeran matapos amining nakalimutan niyang sabihan si Ed tungkol sa kanyang engagement sa american football star na si Travis Kelce.
Sa panayam kay Taylor Swift sa the tonight show starring Jimmy Fallon kinumpirma niya na nalaman ni Ed ang balita sa social media imbes na sa kanya mismo.
Siniguro naman ng singer na walang isyu sa kanilang pagkakaibigan ni Ed Sheeran.
Kasalukuyan namang promoting si Taylor ng kanyang bagong album, the life of a showgirl na available na sa lahat ng music platforms.

