Latest NewsBalitang A2Z

Sen. Erwin Tulfo, magsisilbing acting chairperson ng blue ribbon committee

Si Sen. Erwin Tulfo muna ang tatayong acting chairperson ng Senate blue ribbon committee, ayon kay Senate Pres. Tito Sotto III.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Si Sen. Erwin Tulfo muna ang tatayong acting chairperson ng Senate blue ribbon committee, ayon kay Senate Pres. Tito Sotto III.

Aniya, walang tumanggap sa alok na pumalit bilang chairperson ng komite sa limang senador na pinagpipilian.

Pero umaasa pa rin si Sotto na may makukumbinsi sa kanilang hanay.

Tiniyak din ng senate president na tuloy ang pagdinig sa mga anomalya sa flood control projects.

What do you feel about this article?