Latest NewsBalitang A2Z

Pinay beauty queens, nagmistulang mga ‘Muse’ sa 50th anniversary ng PBA

Nagmistulang pageant ang kickoff ng 50th anniversary ng Philippine Basketball Association o PBA matapos lumahok ang mga beauty queen bilang muse ng mga koponan nitong linggo sa Smart Araneta Coliseum.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagmistulang pageant ang kickoff ng 50th anniversary ng Philippine Basketball Association o PBA matapos lumahok ang mga beauty queen bilang muse ng mga koponan nitong linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Pinangunahan ito ni Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa manalo kasama ang kanyang mga batchmate na sina Laguna’s Eloisa Ja-uod, the Miss Philippines-Cosmo Chelsea Fernandez, Miss Universe Asia Chelsea Manalo at 2024 Binibining Pilipinas International Myrna Esguerra.

Emosyonal ang Beauty queens dahil bitbit nila ang ‘Muse’ na sash sa isang historic basketball game sa Pinas na tila dream come true ang pagrampa hindi lang sa stage kundi sa basketball court.

What do you feel about this article?