Latest NewsBalitang A2Z

Panawagan ng akbayan na gawing zero ang unprogrammed funds, ibinasura ng Malacañang

Ibinasura ng Malacañang ang panawagan ng Akbayan partylist na gawing zero ang unprogrammed appropriation sa proposed 2026 national budget.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Ibinasura ng Malacañang ang panawagan ng Akbayan partylist na gawing zero ang unprogrammed appropriation sa proposed 2026 national budget.

Una nang binatikos ni Akbayan Rep. Chel Diokno ang paglobo ng unprogrammed funds sa 250 billion pesos para sa budget sa susunod na taon.

Ang unprogrammed appropriation ay standby na pondo ng gobyerno na maaari lang gamitin kung nagkaroon ng dagdag na pondo ang pamahalaan.

Iba ito sa programmed funds na garantisado na ang pondo.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa akbayan ginagamit umano ito para itago ang umano’y pagwawaldas sa kaban ng bayan.

Depensa naman ng palasyo kailangan ang unprogrammed budget at hindi naman ito basta-basta nalang nakukuha.

What do you feel about this article?