News LightLatest News

Malacañang, iginiit na hindi posible ang walang unprogrammed funds sa 2026 budget | News Light

Imposibleng mangyari na walang maisamang pondong hindi rehistrado sa budget para sa 2026, base sa pahayag ng Malacañang kahapon.

Newslight · · Updated · 1 min read

Imposibleng mangyari na walang maisamang unprogrammed funds sa budget para sa 2026, base sa pahayag ng Malacañang kahapon.

Kasunod ito ng panawagan ni Akbayan Representative Chel Diokno na tanggalin na ang lahat ng unprogrammed appropriations (UA) para mapaliit ang lumobo nang panukala.

Paliwanag naman ng Palasyo, ang mga pondong ito ay nakalaan para sa mga kaso ng emergency at ilang proyekto.

Ayon naman kay Undersecretary Claire Castro, kung may nangangamba man, may sapat na pagbabantay sa nasabing pondong wala pang pupuntahan upang masigurong hindi ito mananakaw. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?