Ipinatawag ng Independent Commission for Infrastructure si former Ako Bicol Rep. Zaldy Co para humarap sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects.
Batay sa inihaing subpoena, iniutos ng komisyon na dumalo si Co sa pagdinig sa October 14 para magpaliwanag sa mga budget insertions at kontrata sa mga proyekto habang siya’y namumuno sa house committee on appropriations.
Pinadadala rin sa kanya ang mga kopya ng kontrata at rekord na may kaugnayan sa mga proyekto.
Kasama ring inanyayahan ng ICI na humarap sa pagdinig, sina Leyte Rep. Martin romualdez at Budget chief Amenah Pangandaman.
ADVERTISEMENT
Posibleng harapin ni Co ang mga kasong graft, malversation, at falsification kaugnay ng P289. 5milyong road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.

