Latest NewsBalitang A2Z

Ex-DPWH asst. engineer Brice Hernandez, nasa proseso ng paglalahad ng buong katotohanan sa DoJ ayon sa kaniyang kampo

Nagsumite ng malawakang “tell-all” affidavit sa Department of Justice si dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez habang tinatalakay ang kanyang aplikasyon sa witness protection program.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagsumite ng malawakang “tell-all” affidavit sa Department of Justice si dating Bulacan assistant district engineer Brice Hernandez habang tinatalakay ang kanyang aplikasyon sa witness protection program.

Ayon sa kanyang abogado, maganda at produktibo ang pagpupulong nila ng mga opisyal ng DoJ.

Noong nakaraang buwan, personal na nagpunta si Hernandez sa DoJ bitbit ang mga dokumento at mismong CPU ng kanyang computer.

Nauna na rin niyang isinuko sa Independent Commission for Infrastructure ang milyung-milyong pisong mga mamahaling sasakyan bilang pakikisa sa imbestigasyon.

What do you feel about this article?