SportsBalitang A2Z

Disenyo ng damit na isusuot ng 1,600 Pinoy athletes sa opening ceremony ng SEA games sa Thailand, ipinakita na

Bitbit ang dangal at pagmamalaki dahil sa makahulugang isusuot na damit ng nasa 1,600 na miyembro ng Philippine delegation para sa paparating na 33rd Southeast Asian games sa Bangkok, Thailand.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Bitbit ang dangal at pagmamalaki dahil sa makahulugang isusuot na damit ng nasa 1,600 na miyembro ng Philippine delegation para sa paparating na 33rd Southeast Asian games sa Bangkok, Thailand.

Ipinakita na ang isusuot na nationalistic parade uniform sa opening ceremony sa December 9 sa Raja-mangala national stadium na disenyo ng renowned designer na si Avel Bacudio.

Malabarong na jacket ang atake ng kakaibang disenyo na may taták ng bandila ng pilipinas at POC logo kung saan pula ang uniform ng mga atleta habang asul naman para sa mga coach at opisyal—gawa ang tela sa piña, abaca, bamboo, water lily, at saluyot na hinabi ng mga artist mula Tawi-tawi, Zamboanga, Ilocos, Abra, Aklan, at Bacolod.

Lalahok ang Pilipinas sa lahat na 50 sports sa SEA games.

ADVERTISEMENT

Goodluck, Pilipinas!

What do you feel about this article?