Latest NewsBalitang A2Z

PBBM, iginiit na gustong maging transparent ang flood control probe; Malacañang, hindi makikialam sa ICI

Iginiit ng Malacañang na nais ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na maging transparent ang imbestigasyon sa bilyon-bilyong piso umanong anomalya sa mga flood control projects pero hindi siya makikialam sa…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Iginiit ng Malacañang na nais ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na maging transparent ang imbestigasyon sa bilyon-bilyong piso umanong anomalya sa mga flood control projects pero hindi siya makikialam sa trabaho ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.

Sa gitna ‘yan ng lumalaking panawagan na buksan ang imbestigasyon ng ICI sa publiko imbes na itago ang mga diskusyon sa pagitan ng panel interviewers at mga iniimbestigahang indibidwal.

Ayon kay Communications Usec. Claire Castro nasa ICI ang desisyon kung gagawin nitong publiko o sarado sa media ang mga pagdinig.

Sinabi rin ni Castro na ayaw ni Marcos na magkaroon ng anumang cover-up sa gitna ng mga imbestigasyon ng iba-ibang ahensiya ukol sa umanoy’ pandaraya sa mga proyekto ng flood control.

What do you feel about this article?