RegionalLatest News

Isa arestado, apat na-rescue sa operasyon kontra child abuse sa South Cotabato | News Light

Tatlong menor de edad at isang batang lalaki ang nasagip mula sa isang lalaking suspek sa anti-online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) operation sa Banga, South Cotabato noong…

Newslight · · 1 min read

Tatlong menor de edad at isang batang lalaki ang nasagip mula sa isang lalaking suspek sa anti-online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC) operation sa Banga, South Cotabato noong Biyernes, ayon sa report ng Philippine National Police Women and Children Protection Center (WCPC) kahapon.

Nag-ugat ang kaso mula sa referral ng Department of Justice-Office of Cybercrime, kasunod ng report mula sa National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC).

Sa imbestigasyon, napag-alaman na ginamit ng suspek ang mga menor para gumawa at magpakalat ng mga malalaswang materyales kapalit ng pera.

Armado ng warrant para ma-search at ma-examine ang laman ng gadget ng suspek, narekober ang mga file na may lamang child sexual abuse materials mula sa kanya.

ADVERTISEMENT

Agad naman itong dinampot at nahaharap na ngayon sa paglabag sa Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act of 2022.

Nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) sa Banga ang mga biktima para ma-assess at masuri. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?