News LightLatest News

Inflation rate ngayong September 2025, tumaas | News Light

Tumaas ng 1.7% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Setyembre 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Newslight · · 1 min read

Residential districts of Manila city. Aerial view

Tumaas ng 1.7% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Setyembre 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Undersecretary, National Statistician, and Civil Registrar General ng PSA na si Claire Dennis Mapa, ang pagbilis ng inflation rate na nararanasan ng bansa ay dahil sa mas mataas na halaga ng transportasyon at food and non-alcoholic beverages.

Bumilis ang inflation rate o pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at serbisyo ng bansa sa 1.7% noong Setyembre ng kasalukuyang taon mula sa 1.5% na naitala noong Agosto 2025.

Posibleng magtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng inflation rate sa mga susunod na buwan dahil sa epekto ng mga bagyong dumaan noong Setyembre.

Kabilang sa mga commodities na tumaas ang inflation ay ang repolyo na nasa 53%, sinundan ng chilies and peppers at pumpkins.

ADVERTISEMENT

Bumagal naman ang rice inflation mula sa 16.9% noong Setyembre na galing sa 17% noong Agosto, at inaasahang magtutuloy pa ang pagbaba nito sa mga susunod na buwan.

Giit ni Usec. Mapa, hindi pa rin consistent ang pagtaas ng inflation bago matapos ang taon, ayon sa PSA, bunsod ng paparating na holiday season. (Austin Gonzaga/ News Light)

What do you feel about this article?