Latest NewsBalitang A2Z

Ikatlong tunnel boring machine ng Metro Manila subway, sinimulan na ang pag-drill sa Camp Aguinaldo

Sinimulan na ng ikatlong Tunnel Boring Nachine o TBM ang pag-drill sa camp aguinaldo station para sa Metro Manila subway project na inaasahang aabot ito sa anonas station sa loob…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Sinimulan na ng ikatlong Tunnel Boring Nachine o TBM ang pag-drill sa camp aguinaldo station para sa Metro Manila subway project na inaasahang aabot ito sa anonas station sa loob ng anim na buwan.

Ayon kay acting Transportation chief Giovanni Lopez may bilis na siyam na metro ang kayang i-drill ng makina kada araw.

Isang karagdagang makina din ang ilulunsad sa susunod na dalawang buwan.

Mas mapapabilis raw nito ang proyekto alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT

Ang subway na may 33 kilometro at 17 estasyon ay magdudugtong mula valenzuela hanggang Pasay City ang 33-kilometer subway na may 17 stations at may spur line papuntang NAIA terminal 3.

Inaasahang bibilis ang biyahe mula Valenzuela City hanggang pasay ng 45 minutes na lang mula 1 hour and 38 minutes pagsapit ng 2032.

What do you feel about this article?