Pinabulaanan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang mga ulat na may miyembrong nais magbitiw mula rito.
Nilinaw ni ICI Executive Director Brian Hosaka na nananatiling buo ang ICI at walang miyembro na nais mag-resign.
Isang patunay, aniya, ang pinakahuling pagpupulong ng ICI na dinaluhan ni Chairperson Andres Reyes Jr. at ng dalawang miyembro nito na sina dating DPWH Secretary Rogelio Singson at SGV Country Managing Partner Rosanna Fajardo.
Nag-ugat ang usapin matapos ibahagi ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice na may isang miyembro ang nawawalan ng pag-asa at maaaring magbitiw dahil sa kakulangan ng awtoridad na ibinibigay sa ICI.

