Latest NewsBalitang A2Z

COMELEC, iimbestigahan ang ilang mga kandidato noong 2022 elections kaugnay sa umano’y natanggap na mga donasyon mula sa mga kontratista

Iimbestigahan na ng Commission on Elections ang ilang kandidato sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente sa 2022 elections dahil sa umano'y pagtanggap ng campaign donation mula sa mga government contractor.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Iimbestigahan na ng Commission on Elections ang ilang kandidato sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente sa 2022 elections dahil sa umano’y pagtanggap ng campaign donation mula sa mga government contractor.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, humingi na sila ng tulong sa Department of Public Works and highways para beripikahin kung nakakuha ng mga proyekto ang mga kontratistang ito bago, habang, o matapos ang panahon ng kampanya.

Kabilang na rito si Mr. Lubiano, na aminadong nagbigay ng P30 million na donasyon kay Sen. Chiz Escudero.

Kasama rin sa imbestigasyon ang apat na party-list at ilang gubernatorial candidates.

ADVERTISEMENT

Alinsunod sa Omnibus election code, ipinagbabawal ang donasyon ng mga kontratista ng gobyerno bilang campaign funds ng mga kumakandidatong pulitiko.

What do you feel about this article?