Latest NewsBalitang A2Z

BSP, suportado ang pag-amyenda sa Bank secrecy law

Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panukalang baguhin ang Bank secrecy law na itinuturing na sobrang higpit pagdating sa pag-amyenda at pagpapataupad.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Suportado ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panukalang baguhin ang Bank secrecy law na itinuturing na sobrang higpit pagdating sa pag-amyenda at pagpapataupad.

Ayon kay BSP general counsel Atty. Roberto Figueroa, naglilimita ang kasalukuyang batas sa kakayahan ng mga regulator na tukuyin ang mga lumalabag sa batas at ang mga posibleng kasong money laundering.

Aniya, pareho rin ang pananaw ng world bank at international monetary fund na dapat bigyan ng malawak na access ang mga regulator sa impormasyon ng mga account para maiwasan ang ilegal na transaksiyon.

Idinagdag naman ni Figueroa na hindi naman basta ilalabas ng bsp ang impormasyong makukuha nito at mananatili itong confidential habang isinasagawa ang kanilang mandato sa ilalim ng batas.

What do you feel about this article?