Latest NewsBalitang A2Z

AFP: Col. Lachica, inalis sa puwesto sa gitna ng OVP fund issue; OVP nagpasalamat kay Lachica

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na inalis sa puwesto si Col. Raymund Dante Lachica bilang commander ng AFP security and protection group sa gitna ng umano'y pagkakadawit niya…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na inalis sa puwesto si Col. Raymund Dante Lachica bilang commander ng AFP security and protection group sa gitna ng umano’y pagkakadawit niya sa isyu ng 125 milyong pisong confidential fund ng Office of the Vice President.

Sa pahayag ng AFP, tiniyak nito ang “maayos na transisyon ng pamunuan’ para mapanatili ang propesyonalismo at kaayusan ng grupo.

Samantala, sa hiwalay na pahayag, kinumpirma ng Office of the Vice President ang pagkaka-relieve ni Lachica nitong October 6 pero sinabi nitong walang ibinigay na pahayag o paliwanag ang AFP ukol dito.

Pinasalamatan naman ng VOP si Lachica sa kanyang husay at kontribusyon sa pagtupad ng mga layunin ng tanggapan.

What do you feel about this article?