Latest NewsBalitang A2Z

20 sugatan matapos ang pamamaril sa Sydney, Australia

Nahuli ng mga pulis ang isang animnapung taong-gulang na lalaki matapos umanong magpaputok ng higit isandaang bala sa isang mataong kalsada sa Sydney, Australia.

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Nahuli ng mga pulis ang isang animnapung taong-gulang na lalaki matapos umanong magpaputok ng higit isandaang bala sa isang mataong kalsada sa Sydney, Australia.

Hindi bababa sa dalawampung tao ang nasugatan sa pamamaril.

Ayon sa New South Wales Police, puwersahang inaresto ang suspek sa isang business store kung saan natagpuan ang dalawang rifle.

Tinanggal naman ng mga imbestigador ang posibilidad na terorismo o gang activity ang dahilan ng insidente.

What do you feel about this article?