Latest NewsBalitang A2Z

Umano’y bomb threats, nagdulot ng paglikas ng mga estudyante sa mga pamantasan sa Pampanga

Nagkagulo sa dalawang pamantasan sa Pampanga matapos ang sunod-sunod na umano'y bomb threat sa loob ng campus ngayong Lunes.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Nagkagulo sa dalawang pamantasan sa Pampanga matapos ang sunod-sunod na umano’y bomb threat sa loob ng campus ngayong Lunes.

Bandang tanghali, pinalikas ang mga mag-aaral sa Pampanga State University main campus sa Bacolor matapos makatanggap ng umano’y banta.

Agad na ipinasara ang mga gate ng unibersidad habang tiniyak ng mga guwardiya at rotc members ang kaligtasan ng mga estudyante.

Samantala, nagsagawa din ng search at clearing operations ang PNP sa Our Lady of Fatima University Pampanga dahil din sa umano’y bomb threat.

ADVERTISEMENT

Hinimatay sa takot ang ilang estudyante dahil sa init sa labas ng campus.

Agad na pinauwi ang lahat ng mga estudyante habang patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng mga banta.

What do you feel about this article?