Kinumpirma ni Sen. Mark Villar ang pagharap niya sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI hinggil sa mga maanomalyang proyekto sa infra.
Ayon kay ICI spokesperson Brian Hosaka, kasama rin sa magsasalita sa pagdinig ang mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya.
Isasagawa ang mga pagdinig sa Martes at miyerkules kung saan aalamin ang mga detalye sa pagpaplano, pagba-budget at pagpapatupad ng mga proyekto sa flood control at iba pang infrastructure noong panahon ni Villar bilang kalihim ng DPWH mula 2016 hanggang 2021.
Tiniyak naman ni Villar na hindi niya ginamit ang kanyang posisyon para mapaboran ang kumpanyang pagmamay-ari ng kanyang pinsan sa halagang P18.5 bilyong pisong kontrata.
ADVERTISEMENT
Samantala, ikinalungkot naman ni Justice chief Crispin Remulla ang pagbibitiw ni Sen. Panfilo Lacson bilang chair ng senate blue ribbon committee pero igiiniit niyang desisyon ito ng senado bilang isang malayang sangay ng pamahalaan.

