Inanunsyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na makakatanggap ng tig- P1,000 na incentive ang lahat ng publikong guro bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at sakripisyo.
Inanunsyo ito ng pangulo, sa harap ng libo-libong guro sa pagdiriwang ng National Teachers’ day sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga guro at sa edukasyon ng mga Pilipino.

