Nagsimula na ang indirect talks ng Israel at Hamas sa Egypt hinggil sa Gaza ceasefire plan na ibinigay ni U.S. President Donald Trump.
Ayon sa Al-Qahera News, natapos sa “positive atmosphere” ang pag-uusap ng Hamas at ng mga tagapamagitan nito.
Naniniwala naman si President Trump na maraming bansa ang sumusuporta sa kanyang 20-point Gaza plan.
Kabilang sa plano ang pagtigil ng giyera sa magkabilang panig, pagpapalaya ng mga dinakip, pagre-develop sa Gaza, at pagbuwag sa mga sandata ng Hamas.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, nasa 67,000 katao na ang nasawi dahil sa Israel-Palestine conflict.

