West Philippine SeaLatest News

Coast Guard ship ng Vietnam, dumating sa Cebu para sa limang araw na pagbisita at pagsasanay | News Light

Dumating sa Cebu City nitong Lunes ang barko ng Vietnam Coast Guard (VCG) na CSB 8002 para sa limang araw na port visit at joint exercise kasama ang Philippine Coast…

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Dumating sa Cebu City nitong Lunes ang barko ng Vietnam Coast Guard (VCG) na CSB 8002 para sa limang araw na port visit at joint exercise kasama ang Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa PCG, ang aktibidad ay alinsunod sa layuning palakasin ang ugnayan ng mga bansa sa rehiyon.

Layunin ng pagtutulungan na paigtingin ang seguridad sa karagatan, operasyon sa search and rescue, at rehiyonal na koordinasyon.

Sa naturang pagbisita, isasagawa rin ang ikalawang PCG-VCG bilateral meeting na bahagi ng 2024 Memorandum of Understanding on Maritime Cooperation.

ADVERTISEMENT

Tampok din ang iba’t ibang aktibidad tulad ng search and rescue tabletop exercises, community relations, at friendly games upang mapaigting ang samahan at kakayahan ng dalawang coast guard.

Tatapusin ang limang araw na programa sa Oktubre 10, 2025.

What do you feel about this article?