Tinamaaan ng matinding pag-ulan ang Nepal at India na nagdulot ng mga pagguho ng lupa at flash floods kung saan hindi bababa sa 47 na ang nasawi habang marami ang nawawala.
Habang hindi naman bababa sa 35 ang nasawi sa pagguho ng lupa sa ilam district sa india.
Siyam ang nawawala matapos tangayin ng rumaragasang tubig habang tatlo naman ang nasawi sa kidlat.
Idineklara ng Ministry of Home Affairs ng Nepal ang lunes at Martes bilang public holidays para bigyang-daan ang rescue operations.
ADVERTISEMENT
Mahigit sa 12 distrito ang nasasailalim sa red alert kabilang ang ilang bahagi ng Kathmandu.
Tigil-operasyon naman ang mga domestic flights dahil sa masamang panahon bagamat normal ang operasyon ng mga international flights.

