Balitang A2ZLatest News

4 na leader na sangkot sa kaguluhan sa Mendiola sa Maynila noong Sept. 21, pinadalhan na ng subpoena

Pinadalahan na ng subpoena ng PNP-CIDG ang apat na indibidwal na itinuturing umanong pinuno ng mga grupong nasangkot sa gulo sa Ayala Boulevard at Mendiola sa Maynila noong September 21.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Pinadalahan na ng subpoena ng PNP-CIDG ang apat na indibidwal na itinuturing umanong pinuno ng mga grupong nasangkot sa gulo sa Ayala Boulevard at Mendiola sa Maynila noong September 21.

Ayon kay CIDG information officer PMaj. Helen dela Cruz, iimbestigahan ang mga ito kung may kinalaman sila sa karahasang naganap sa protesta.

Isa sa mga sinampahan si Park alamada pangawilan na nagsalita sa Liwasang Bonifacio at hinikayat umano ang mga protesters na magbaon ng lighter.

Paliwanag ni pangawilan ito’y para lamang sa candle-lighting activity at hindi sa anumang panunog o gulo.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, mahigit 20 pang indibidwal ang posibleng ipatawag habang patuloy ang imbestigasyon.

Samantala, tiniyak ni acting PNP chief Plt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang paghahanda ng mga pulis para sa mga nakatakdang rally gaya ng “Trillion peso march” sa November 30 para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

What do you feel about this article?