News LightGood News

Travel vibe at worship music: mga bagong kanta na tumutukoy sa paglalakbay at kaligtasan | News Light

Inilabas ng worship singer and songwriter na si Angelo Sayson ang kanyang pinakabagong single na pinamagatang “Ang Kwento Ko.”

Newslight · · 2 min read

Inilabas ng worship singer and songwriter na si Angelo Sayson ang kanyang pinakabagong single na pinamagatang “Ang Kwento Ko.”

Ayon kay Angelo, ang kanta ay nag-ugat sa isang simpleng panonood ng travel vlogs. Napansin niya kung paanong ang mga kanta ay nagbibigay ng saya sa paglalakbay.

Dito pumasok ang ideya na gamitin ang travel vibe upang ikuwento ang pinakadakilang paglalakbay sa lahat — ang biyahe patungo sa kaligtasan.

Higit pa sa catchy tune nito, dala ng “Ang Kwento Ko” ang isang mahalagang katotohanan.

Diretsahan nitong tinutumbok ang maling paniniwala ng marami na sapat na ang pagiging mabuti, magalang, at madasalin upang maging karapat-dapat sa Diyos.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mensahe ng awit, gaano man tayo magsumikap, kailanman ay hindi ito magiging sapat kung wala si Hesus — at ang kaligtasan ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng ating mga gawa, kundi ito ay natatanggap dahil sa biyaya ng Panginoon para sa atin.

Umaasa si Angelo na ang kanyang musika ay magiging inspirasyon para sa isang mas malalim, mas makabuluhan, at panghabambuhay na paglalakbay.
Ang awiting “Ang Kwento Ko” ay available na ngayon sa mga major music platforms. Pakinggan at hayaang ang musika ay maging paalala sa tunay na pinagmumulan ng ating kaligtasan. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?