Patuloy ang pagluluksa ng mga residente sa Bogo City, Cebu na namatayan ng mga kaanak sa lindol na tumama noong Martes.
Ilan sa kanila, may pagsisisi sa mga hindi na nasabi o nagawa para sa kanilang mahal sa buhay.
Ayon sa medical professionals, mahalaga ang debriefing para sa mga survivors upang maibsan ang trauma.

