News LightFeatured

Sen. Lacson, magbibitiw bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee | News Light

Bababa sa puwesto bilang Blue Ribbon Committee chairman si Senate President Pro Tempore Ping Lacson dahil umano ito sa kawalan ng suporta sa kanya ng ilang kapwa senador.

Ace Cruz · · Updated · 1 min read

Bababa sa puwesto bilang Blue Ribbon Committee chairman si Senate President Pro Tempore Ping Lacson dahil umano ito sa kawalan ng suporta sa kanya ng ilang kapwa senador.

Panahon na aniyang magbitiw sa puwesto gayung may ilang senador na ang nagpahayag ng pagkabahala sa kung papaano niya pamunuan ang Blue Ribbon Committee — na makapangyarihang komite sa Senado.

Ang naturang komite rin ang nag-iimbestiga ngayon sa maanomalyang ghost flood control projects sa bansa.

May nakaiskedyul na pagdinig sana ngayong linggo, pero sinuspinde muna dahil sa ilang dahilan.

ADVERTISEMENT

Kamakailan ay iniugnay din si Lacson sa kontratistang sina Curlee at Sarah Discaya, pero mariin na niya itong pinabulaanan.

What do you feel about this article?