Iimbestigahan ng Department of Labor and Employment ang reklamo ng ilang BPO workers sa Cebu na tila pinababalik agad sa trabaho matapos ang magnitude 6.9 na lindol nitong Martes.
Base sa mga reklamo, sapilitang pinabalik ang ilang empleyado para tapusin ang kanilang shift.
Habang ang iba pinagsumite pa ng paliwanag dahil sa pag-uwi sa kani-kanilang tirahan matapos ang lindol.
Giit ni DOLE chief Bienvenido Laguesma, prayoridad dapat ang kaligtasan ng mga empleyado sa gitna ng sakuna.

