Balitang A2ZLatest News

Mas pinaigting na kampanya VS illegal recruitment, human trafficking, muling ipinangako ni PBBM

Muli na namang ipinangako ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.,  ang pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa illegal recruitment at human trafficking laban sa mga Overseas Filipino Workers o…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Muli na namang ipinangako ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.,  ang pagpapatupad ng mas pinaigting na kampanya laban sa illegal recruitment at human trafficking laban sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs.

Kasabay ‘yan pamahahagi ng PBBM ng ayuda sa mga piling OFW sa San Fernando City sa Pampanga.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng pangulo ang hirap ng mga OFW na malayo sa pamilya lalo na kapag may kalamidad sa pilipina.

Sa kabila ng pagpuri ng mga dayuhan sa kasipagan ng mga pilipino abroad.

Binigyang diin niyang pumirma na ng Memorandum of Agreement o kasunduan ang DMW Department of Labor and Employment o DOLE, TESDA, Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at ang provincial government ng Pampanga ukol dito.

ADVERTISEMENT

Nasa mahigit 3000 OFW at kanilang pamilya ang nakatanggap ng tigli P5,000 mula sa Department of Migrant Workers.

Agarang kalinga at saklolo sa mga OFW’s na nangangailangan o Aksyon fund.

Habang nagpaabot din ng karagdagang P5,000 kada OFW ang Office of the President.

What do you feel about this article?