Tutol ang transport group na Manibela sa panawagan ng kapwa grupo na Magnificent 7 na magbitiw sa puwestosi LTFRB chair Teofilo Guadiz III.
Ayon kay Manibela chair Mar Valbuena, suportado nila si Guadiz dahil sa pagsusulong nito ng makataong modernisasyon at hindi umaasa sa mga sasakyan mula china.
Giit pa ni Valbuena, nasa kalagitnaan na sila ng dayalogo kasama ang LTFRB at Department of Transportation.
Hinggil sa pagbabalik ng kanilang franchise at pagbigay ng provisional authority para sa mga jeepney.
ADVERTISEMENT
Pahayag pa ni Valbuena kung biguin sila ng LTFRB sa usapan mismong Manibela ang mangunguna sa panawagan ng resignation.

