Naghahanda ang PhilHealth na mas palawakin pa ang hospitalization coverage para sa mga biktima ng ng 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.
Ayon kay DoH spokesperson Asec. Albert Doming, tinitingnan ng PhilHealth na ma-zero balance billing ang mga pasyente.
Hindi lang sa mga DoH accredited hospitals kundi posible rin sa mga pribadong ospital.
Sa datos, higit 113 pasyente ang nananatiling naka-confine sa mga hospital sa Cebu.
ADVERTISEMENT
Nagpadala na ang DOH ng P1 milyong halaga ng gamot sa mga hospital.
Habang nakatanggap din ang ahensya ng mga report hinggil sa mga nasirang barangay health stations at rural health units sa iba’t ibang bayan.

