News LightFeatured

Cayetano, hinimok ang mga kapwa politiko na mag-resign; nirekomenda ang snap elections | News Light

Suhestiyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magbitiw na sa puwesto ang lahat ng opisyal ng gobyerno kasunod ng mga alegasyon ng malawakang korapsyon.

Newslight · · Updated · 1 min read

Suhestiyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magbitiw na sa puwesto ang lahat ng opisyal ng gobyerno kasunod ng mga alegasyon ng malawakang korapsyon.

Ayon kay Cayetano, magbitiw na lamang ang lahat ng nasa katungkulan at kasunod na payagan ang snap elections mula sa presidente, bise presidente, senador at kongreso; ngunit wala sa mga nabanggit na posisyon ang maaaring tumakbo sa isang election cycle.

Wala na umanong tiwala ang mga Pilipino sa gobyerno at mga tauhan nito, at sinabing ang mga politiko mismo ang siyang mga suspek. Kung totoong nagsisilbi, hindi umano dapat matakot ang mga namumuno na magsimula ulit nang may radikal na katapatan.

Paliwanag pa ng senador, pinagkakatiwalaan pa umano ang mga gobernador, mayor at barangay chairpersons kaya hindi ito dapat maapektuhan. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?