Patay ang dalawang lalaki habang tatlo ang malubhang nasugatan sa isang terrorist attack sa labas ng isang Synagogue sa Manchester, England kasabay ng pagdiriwang ng Yom Kippur.
Ayon sa ulat ng pulisya sinagasaan ng sasakyan ng isang suspek ang mga sumasamba na sinundan ng pag-atake ng pananaksak sa labas ng Heaton Park Hebrew Congregation Synagogue.
Habang tatlong suspek pa ang inaresto dahil sa pagkakasangkot sa terorismo.
Kinondena ni british Prime Minister Keir Starmer ang atake na tila target ang mga Jewish residents sa lugar.
ADVERTISEMENT
Habang iginiit na patuloy na nangangailangan ng 24/7 security ang mga Synagogue at paaralan sa gitna ng tumitinding anti-semitic na mga banta.

