Balitang A2ZFlood Control Probe

DoJ, iniimbestigahan na ang maanomalyang flood control projects; mga ‘Congtractors’, iniisa-isa nang pangalananan

Iniimbestigahan na ng Department of Justice ang malawakang anomalya sa mga flood control project sa buong bansa.

BALITANG A2Z · · 1 min read

Iniimbestigahan na ng Department of Justice ang malawakang anomalya sa mga flood control project sa buong bansa.

Ayon kay Justice chief Crispin Remulla aabot sa halos dalawandaang katao ang posibleng sangkot kabilang na ang mga district engineer, mga kontratista, at ilang mambabatas.

Tinutukoy ni Remulla ang mga tinaguriang “congtractors” o mga kongresistang may negosyong kontratista na ipinagbabawal na gawi sa batas.

Habang nasa halos 70 ang napatunayang may conflict of interest.

Pagdidiin ni Remulla, matagal nang alam sa kongreso ang praktis na ito pero pinapalagpas lamang ng maraming nakaupo.

ADVERTISEMENT

Kasalukuyang nagsasagawa ng historical review ang DoJ sa mga kontrata kung saan ilan dito ay umaabot na ng dalawampung taon.

Nakausap na ni Remulla si House speaker Bojie Dy III pero wala pang pormal na pagpupulong hinggil dito.

What do you feel about this article?