Patuloy na nakararamdam ng mga aftershocks ang Bogo City, Cebu.
Matapos ang mapaminsalang magnitude 6.9 na lindol noong nakaraang Martes, sinundan ito ng magnitude 4.5 aftershock na naramdaman ng mga Cebuano kagabi.
Niyanig rin ng magnitude 5.0 na lindol ang Northern Samar.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang lindol na tumama sa Northern Samar. Bagama’t walang naitalang intensity level o hindi gaanong naramdaman ang lindol, payo ng Phivolcs na patuloy pa ring mag-ingat ang mamamayan sa anumang sakuna.
ADVERTISEMENT
Sa ngayon, nagpapatuloy ang search and rescue operations ng mga local government unit at iba’t ibang ahensya ng gobyerno. (Austin Gonzaga/ News Light)

