Patuloy na kumikilos pakanluran-hilagang kanluran ang bagyong paolo sa Philippine sea.
Ayon sa PAGASA, kasalukuyang nasa layong 370 kilometers silangan ng Baler, Aurora ang sentro nito.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot ng 85 kilometers per hour at bugsung aabot sa 105 kph.
Inaasahang magla-landfall umaga ng Biyernes sa Southern Isabela o Northern Aurora at posibleng lumakas pa ito.
Nakataas ang signal 2 sa ilang bahagi ng Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Cordillera, at ilang lugar sa Ilocos at Aurora.
ADVERTISEMENT
Habang signal 1 naman ang kabuuang lugar sa Northern at Central Luzon kasama ang Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.
Paalala ng PAGASA, maging alerto at sumunod sa evacuation at mga direksyon ng lokal na pamahalaan.

