WeatherLatest News

9 sa 19 weather radars ng PAGASA, hindi gumagana ayon kay Rep. Amante | News Light

Sa 19 na weather radars ng Pagasa, 10 na lamang dito ang kasalukuyang gumagana at siyam ang hindi, base sa pahayag ni Laguna Third District Rep. Loreto Amante.

Newslight · · 1 min read

Sa 19 na weather radars ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), 10 na lamang dito ang kasalukuyang gumagana at siyam ang hindi, ayon sa ulat ni Laguna 3rd District Rep. Loreto Amante.

Ayon kay Amante, budget sponsor ng Department of Science and Technology (DOST), ang mga radar na hindi gumagana ay nasira dahil sa mga nagdaang bagyo.

Kasalukuyan namang kinukumpuni ang isang radar system sa Catanduanes.

Umaasa naman ang kongresista na maaayos na ang lahat ng radars sa susunod na taon. Nasa ₱250 milyon ang halaga ng bawat isa at tinatayang aabot sa ₱5 bilyon ang kailangan upang mapalitan ang lahat ng ito.

ADVERTISEMENT

Ipinanukala rin ni Amante ang ₱30 bilyong budget ng DOST para sa susunod na taon para sa kahandaan kontra kalamidad.

Dagdag pa niya, napipigilan ng limitadong budget ang pag-unlad ng mga teknolohiyang para sa pag-aassess ng masamang panahon na banta sa mga komunidad. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?