Sugatan ang 17 katao matapos bumulusok sa anim-na-metrong lalim na bangin ang isang pampasaherong jeepney sa Calauag, Quezon.
Ayon sa pulisya, nawalan ng preno ang jeep habang binabaybay ang pababa at palikong kalsada.
Agad namang dinala sa iba-ibang ospital ang lahat ng biktima.
Samantala, patay naman ang isang government employee habang mahigit dalawandaang residente ang nawalan ng tirahan sa sunog sa Brgy. Canlapwas, Catbalogan City, Samar gabi ng Miyerkules.
Umabot ng halos apat na oras ang pag-apula sa sunog ng mga bumbero at volunteers.
ADVERTISEMENT
Aabot sa halos P2 milyong ang tantyang halaga ng nasira.
Nagsilbi namang evacuation center ang isang simbahan at barangay hall para sa 50 pamilyang apektado.
Agad na nagpaabot ng tulong ang pamahalaang lungsod.

