News LightLatest News

Prosecutors at mga biktima ng EJK, gustong ipabasura ang mga kondisyon sa paglaya ni former president Duterte | News Light

Nais ng prosecutors at mga biktima ng ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-reject ng Pre-Trial Chamber (PTC) sa International Criminal Court (ICC) ang panibagong mga kondisyon…

Newslight · · Updated · 1 min read

Nais ng prosecutors at mga biktima ng ‘war on drugs’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na i-reject ng Pre-Trial Chamber (PTC) sa International Criminal Court (ICC) ang panibagong mga kondisyon ng kampo nito para sa pansamantala niyang paglaya.

Ayon sa filings ng prosecution sa PTC, ang mga bagong kondisyon para sa interim release ni Duterte ay hindi makakatulong upang siya’y makatakas sa mga reklamo laban sa kanya o gumawa ng iba pang krimen.

Iginiit naman ng opisina ng prosecution na ilang beses nang hindi natuloy ang pre-trial proceedings dahil sa kampo ni Duterte, at hindi na ito puwedeng madagdagan pa para lang mapaboran ang kanyang paglaya.

Sa pahayag ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, magiging “flight risk” at posible pang gumawa ng krimen si Duterte kung mapagbigyan man ang interim release nito.

ADVERTISEMENT

Para naman sa mga biktimang nire-representa ni Principal Counsel Paolina Massidda ng Office of Public Counsel for Victims (OPCV), walang matinong basehan at misplaced ang defense ng dating pangulo. (Denniel Salayo/ News Light)

What do you feel about this article?