Good NewsLatest News

Musika sa kalsada, misyon sa puso: Worship busking, patok na! | News Light

Patok ngayon sa publiko ang pagbabahagi ng talento sa larangan ng musika sa mga pampublikong lugar, o mas kilala bilang busking.

Newslight · · 2 min read

Patok ngayon sa publiko ang pagbabahagi ng talento sa larangan ng musika sa mga pampublikong lugar, o mas kilala bilang busking.

Ngunit sa panahong ito, hindi na lamang ito basta pagpapakita ng galing, kundi isang mas malalim na misyon ang dala-dala ng ilan sa mga tumutugtog sa lansangan.

Usap-usapan ngayon ang tinatawag na worship busking, kung saan ang mga awit ng pananampalataya o mga worship songs ay iniaalay at kinakanta sa gitna ng mataong espasyo.

Isa sa mga kinikilalang pangalan sa industriyang ito ay si Kate Torres.

Matagal nang musikero si Kate, ngunit nang simulan niya ang worship busking, sunod-sunod ang mga biyayang dumating sa kanyang buhay at karera.

Mas lumawak ang kanyang audience, at kasabay nito ay mas lumalim rin ang kanyang layunin—ang makatulong at makapagbigay-inspirasyon sa kapwa.

ADVERTISEMENT

Bilang isang ina sa anak na may autism, naging mas makabuluhan at personal ang kanyang musika.

Ang bawat nota at himig na kanyang tinutugtog ay hindi na lamang para sa sarili, kundi para na rin sa kanyang adbokasiya—ang pagbibigay liwanag at suporta sa mga may special needs, habang patuloy na ipinapahayag ang mabuting balita ng Panginoon.

Isang patunay si Kate Torres na ang musika ay may kapangyarihang hindi lamang magbigay-aliw, kundi maghatid din ng inspirasyon at pag-asa. (Benedict Quejado/ News Light)

What do you feel about this article?